Hear Life's Special Moments

Ms. Angelica Joy Bailon
Diagnosed at 7 years old, Bilateral severe sensorineural hearing loss


Hello po, ako si Angelica Joy Baylon, 24 years old, from Manila. Dun ko nalaman na may hearing problem ako mga 3 to 4 years old ako. Pero nabilhan lang po ako ng hearing aid noong kinder na po ako. So mga 6, mga 7 years old na po ako noon.
Naalala ko lang po kasi noon Grade 3 po ako, tatlong beses kong nawala 'yung hearing aid ko. Sobrang hirap na hirap po ako noong taon na 'yun sa school. Every time na magsasalita 'yung teacher, nagsusulat ako - nakatingin na nagsusulat.
Tapos, finally po noong Grade 4, nabilhan po ko ng hearing aid. So, sa tulong ng hearing aid simula nung Grade 4, dun po ako nagsimulang mag-TOP 1 sa school. So talagang, dun ko po talaga nakita na sobrang laking tulong ng hearing aid sa development ko, hindi lang po sa academics pero pati rin po sa pakikisalamuha ko po sa ibang tao.
So, grumaduate po ako from UP Diliman, Cum Laude, sa kursong BA Psycology. Tapos ngayon po ay 2nd year law student po ako sa FEU Makati. Pangarap ko pong maging abogado. So hopefully, 2 to 3 years from now ay magiging abogado na po ako. Sa tingin ko po, isa po sa mga strength ng Manila Hearing Aid is bukod po sa pagbibigay at pagpo-provide ng mga de-kalidad na hearing aid is 'yung interaction po n'ya sa mga pasyente n'ya.
Parang alam mong nag-ca-care talaga sila para sa'yo. Bukod po doon, binibigyan din po n'ya kami ng pag-asa na kahit may hearing problem po kami kaya namin maging successful in life. Nasabi ko 'yun kasi, every time po na pumupunta ako dito, every time na magte-test or kahit bibili lang ng battery, sobrang bait nung mga receptionists.
Natutuwa ako na lagi akong tinatanong, "O kumusta ka na? Ano, nasa UP ka pa rin ba? Grumaduate ka na ba?" So, natutuwa lang po ako na parang nare-recognize nila 'yung mga ganoong bagay. Every time na nagtatanong ako, sinasagot nila nang maayos. Tapos ine-encourage talaga nila kami na, either bumili ng mas magandang hearing aid para mas makatulong doon sa pangangailangan namin, and more than that, nakikita po namin 'yung sincerity nila na gusto nila kaming tulungan and gusto nila maging successful kami kung saan man kami naroon.

Read other Testimonials